Pentecost Sunday (Year B)

Acts 2:1-11; 1Cor 12:3-7,12-13/Gal 5:16-25; Jn 20:19-23 (15:26-27,16;12-15)

Jesus Breathes the Holy Spirit

OTHER HOMILY SOURCES from Kiliti

2012 KULASISI (Reposted & Revised): Reflection for the Solemnity of Pentecost Year B – May 27, 2012

Iba’t iba ang simbolo ng Espiritu Santo sa Banal na Kasulatan. Nariyan na ang simbolo ng hangin tulad ng ating narinig sa unang pagbasa, ang dilang apoy na nanahan sa ulo ng mga apostol noong araw ng Pentekostes, ang tila kalapati o ibon na lumabas mula sa langit ng mabinyagan si Jesus sa ilog ng Jordan. Ang hangin o hininga ay simbolo ng buhay. Ang apoy ay simbolo naman ng init at ningas ng pagmamahal. E ang ibon?
Ano ang ipinahihiwatiog nito? Isang paring misyonero na galing Ireland na nakapag-aral ng kaunting tagalog ang naupo sa kumpisalan. Sapagkat kapos ang kanyang bokabularyong nalalaman sa Tagalog ay nagdala siya ng maliit na Tagalog-English Dictionary saka-sakali mang meron siyang salitang hundi maintindihan. Maayos namang naidaos ang unang oras ng kumpisal. Naintindihan niya ang mga kasalanan at nakapagbigay pa siya ng payo. Bigla na lamang may nagkumpisal ng ganito: “Father, patawarin po ninyo ako; ako’y nagkasala. Nagnakaw po ako… yung biyenan ko minura ko… At Father, mayroon po akong ipagtatapat: mayroon po akong “kulasisi” (kabit o babaeng kinakasma ha hindi asawa}. Biglang napaisip ang pari, “What is “kulasisi?” Binuksan niya ang kanyang pocket dictionary at tiningnan: “Kulasisi: noun, a little bird, good for pet.” Sabi ng pari: “Magaling, magaling… ilan ang kulasisi mo?” Sagot naman ng nagulat na lalaki: “E…e dalawa po padre!” “Kung ganon, ibigay mo sa akin ang isa ha?” hehe… Ang hirap nga naman pag di malinaw ang pag-intindi mo sa isang salita. Ang resulta: hindi pagkakaintindihan, maling pagkaunawa, pagkakagulo, pagkakawatak-watak! Ang unang biyayang dulot ng Espiritu Santo ay pagkakaisa. Ito ang narinig natin sa unang pagbasa: “At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.” Bagamat iba’t ibang wika ang ipinagkaloob sa kanila ay naiintindihan sila ng mga nakarinig sa kanila. Bakit nagkaganoon? Ang sabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa: “Iba’t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito.” Ibig sabihin, ang Espiritu Santo ang nag-uugnay at dahilan ng pagkakaisa. Nakakalungkot tingnan ang mga Kristiyanong nagbabangayan at nagsisiraan sa isa’t isa. Ang mas nakakalungkot ay may mga taong gumagamit pa ng Salita ng Diyos upang tuligsain ang kanyang kapwa. Ang dapat na epekto ng biyayang kaloob ng Espiritu ay kapayapaan at hindi kaguluhan. Ito ang pambungad na bati ni Jesus pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay. Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.” Tingnan natin ang ating buhay. May kapayapaan ba sa loob ng aking pamilya? May kapayapaan ba sa aking sarili? May kapayapaan ba sa aking kapaligiran? Kung hindi pa natin ito nararanasan ay marahil hindi pa natin hinahayaang maghari ang Espiritu sa ating buhay. Ang Espiritu Santo ay hindi “kulasisi”. Ang “kulasisi” ay sumisira, nagwawatak-watak, naghihiwalay sa ugnayan ng pamilya. Ang Espiritu ay nag-uugnay, nagtitipon, nagbubuklod… ang dulot Niya ay kapayapaan at pagkakaisa.

Source: kiliti-ng-diyos.blogspot.com/2012/05/ibat-iba-ang-simbolo-ng-espiritu-santo.html

2015 MAY FOREVER! : Reflection for the Solemnity of Pentecost Year B – May 24, 2015 – YEAR OF THE POOR

Kapistahan ngayon ng Pagpanaog ng Espiritu Santo o Pentekostes.  May isang “Rabbi” (gurong Hudyo) ang minsang nagsabi: “Naiintindihan ko ang inyong pagtawag sa Diyos bilang “Ama”, at kilala rin namin si Jesus na tinatawag ninyong “Diyos Anak”, ngunit ang hindi ko talaga maintindihan ay ang “mahiwagang ibon” na tinatawag ninyong Espiritu Santo!”  Totoo nga naman, kahit sa kasalukuyang panahong ito ay marami pa rin, kahit sa ating mga Katoliko, ang kulang ang pang-unawa sa Espiritu Santo kahit lagi natin itong binabanggit sa ating mga panalangin.  Sino nga ba ang Espritu Santo?  Kung ang Diyos Ama ay ang lumikha ng lahat ng bagay at ang Diyos Anak naman ang tumubos sa ating mga kasalanan, ay ano naman ang papel na ginagampanan ng Diyos Espritu Santo sa kasaysayan ng ating kaligtasan?  Kung ako ang tatanungin, ang Espiritu Santo ang nagpapahayag at nagpapatunay na ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay may “forever!”  Mayroon bang forever?  Mga taong “bitter” lang ang nagsasabing walang forever!  Para sa ating mga Kristiyano tayo ay nilikha ng Diyos dahil sa pag-ibig. Iniligtas Niya tayo sa ating pagkakasala dahil sa laki ng pagmamahal Niya sa atin.  At patuloy Niya tayong inaalagaan, ginagabayan at pinababanal sa pamamagitan ng pag-ibig na nagmumula sa Banal na Espiritu!  Hindi ba “forever” ang tawag sa ganung uri ng pagmamahal na magpakailanman at magpasawalanghanggan?   Ang Espiritu Santo ang gumagabay at pumapatnubay sa Simbahan mula pa ng ito ay isilang at magpasahanggang ngayon. Kung mahalaga ang kanyang papel na ginagampanan sa ating Simbahan ay lalong ng higit pa sa ating mga Kristiyano.   Ang Espiritu Santo ang nagpapabanal sa atin! Noong tayo ay bininyagan ay napuspos tayo ng Espiritu Santo. Sa Kumpil ay tinanggap naman natin ang kaganapan ng Kanyang mga biyaya hindi sapagkat kulang ito noong tayo ay binyagan kundi sapagkat hindi pa nakahanda ang ating pisikal na katawan noong sanggol pa lamang tayo. Ngayong tayo ay nakapag-iisip na ay nararapat lamang na ipakita natin ang pananahan ng Espiritu Santo sa ating buhay! Gisingin natin ang ating mga tulog na sarili!  Maging mulat tayong lahat na tayo ay ang mga buhay na “Templo ng Espiritu Santo!” Maging mga saksi tayo ng kanyang kapangyarihan sa ating buhay!  Ang “kapayapaan” ang tanda na tayo ay mga taong puspos ng Espiritu Santo. Kapayapaan ang ibinahagi ni Jesus sa kanyang mga alagad noong Siya ay muling mabuhay. Kapayapaan din ang patuloy niyang ibinabahagi sa ating pinananahanan na ng Banal na Espiritu.  Ang Espiritu Santo ay nag-uugnay, hindi naghihiwalay! Kapag may pag-kakaisa.. may pagmamahal.  Patuloy tayong minamahal ng Diyos sapagkat hinahangad Niya ang ating pagkakaisa.  Umasa tayong patuloy na tayong mamahalin at pag-iisahin sapagkat ang Kanyang pagmamahal ay may forever! Ipinaskil ni kalakbay ng kabataan

Source: kiliti-ng-diyos.blogspot.com/2015/05/may-forever-reflection-for-solemnity-of.html

2018 SABADO, MAYO 19, 2018

BANAL NA KULASISI : Reflection for the Solemnity of Pentecost Year B – May 20, 2018 – YEAR OF THE CLERGY AND CONSECRATED PERSONS

Kapistahan ngayon ng Pentekostes.  Ang Pentekostes ay galing sa salitang Griego na ang ibig sabihin ay ika-limampung araw, sapagkat ito ang ika-limampung araw pagkatapos ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesukristo.  Ito ang araw na pinili ng Panginoon upang ipadala sa atin ang Banal na Espiritu.  Marahil hindi ganoon kadaling maunawaan ang kanyang pananatili sa ating piling sapagkat una ay wala tayong malinaw na paglalarawan sa kanya sapagkat siya ay isang “Espiritu.” Di katulad ni Jesus na Anak ng Diyos na nagkatawang tao o kaya naman ay ang Diyos Ama na Manlilikha, ang ating pagkilala sa Banal na Espiritu ay walang kapayakan at kasiguruhan sapagkat ang mayroon lamang tayo ay ang mga simbolong matatagpuan natin sa Banal na Kasulatan. Nariyan na ang simbolo ng hangin tulad ng ating narinig sa unang pagbasa, ang dilang apoy na nanahan sa ulo ng mga apostol noong araw ng Pentekostes, ang tila kalapati o ibon na lumabas mula sa langit ng mabinyagan si Jesus sa ilog ng Jordan. Ang hangin o hininga ay simbolo ng buhay. Ang apoy ay simbolo naman ng init at ningas ng pagmamahal. Ang ibon ano kaya? Ano ang ipinahihiwatiog nito? Isang paring misyonero na galing Ireland na nakapag-aral ng kaunting tagalog ang naupo sa kumpisalan. Sapagkat kapos ang kanyang bokabularyong nalalaman sa Tagalog ay nagdala siya ng maliit na Tagalog-English Dictionary saka-sakali mang meron siyang salitang hundi maintindihan. Maayos namang naidaos ang unang oras ng kumpisal. Naintindihan niya ang mga kasalanan at nakapagbigay pa siya ng payo. Bigla na lamang may nagkumpisal ng ganito: “Father, patawarin po ninyo ako; ako’y nagkasala. Nagnakaw po ako… yung biyenan ko minura ko… At Father, mayroon po akong ipagtatapat: mayroon po akong “kulasisi” (kabit o babaeng kinakasma ha hindi asawa). Biglang napaisip ang pari, “What is “kulasisi?” Binuksan niya ang kanyang pocket dictionary at tiningnan: “Kulasisi: noun, a little bird, good for pet.” Sabi ng pari: “Magaling, magaling… ilan ang kulasisi mo?” Sagot naman ng nagulat na lalaki: “E…e.. dalawa po padre!” “Kung ganon, ibigay mo sa akin ang isa ha? Ako na ang mag-aalaga! “ Ang hirap nga naman pag di malinaw ang pag-intindi mo sa isang salita. Ang resulta: hindi pagkakaintindihan, maling pagkaunawa, pagkakagulo, pagkakawatak-watak! At batid din naman natin na ang “kulasisi” ay dahilan ng pagkasira ng pamilya at relasyon.  Ang biyayang dulot ng Espiritu Santo ay pagkakaisa. Ito ang narinig natin sa unang pagbasa: “At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.” Bagamat iba’t ibang wika ang ipinagkaloob sa kanila ay naiintindihan sila ng mga nakarinig sa kanila. Bakit nagkaganoon? Ang sabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa: “Iba’t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito.”  Ibig sabihin, ang Espiritu Santo angnag-uugnay at dahilan ng pagkakaisa. Nakakalungkot tingnan ang mga Kristiyanong nagbabangayan at nagsisiraan sa isa’t isa. Ang mas nakakalungkot ay may mga taong gumagamit pa ng Salita ng Diyos upang tuligsain ang kanyang kapwa. Ang dapat na epekto ng biyayang kaloob ng Espiritu ay kapayapaan at hindi kaguluhan.  Ang hatid ng Banal na Espiritu ay KATOTOHANAN at hindi kalituhan!  At ito ang napapanahong pangangailangan ng ating mundo, ang mabuhay sa katotohanan at hindi kasinungalingan.  Ang ating mahal na Cardinal ay nagpapaalala sa atin na maging mapanuri at mapagmatyag sapagkat nakararanas tayo ngayon ng “krisis ng katotohanan” dahil sa mga nagdaang pangyayari sa ating lipunan.  Kung babasahin natin ang mga kasalukuyang pangyayari gamit ang mata ng pananampalataya ay sasang-ayon tayo na talagang may krisis tayo sa katotohanan.  Kailangan natin ang tulong ng Banal na Espiritu!  Ito ang pambungad na bati ni Jesus pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay.  “Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.” Tingnan natin ang ating buhay. May kapayapaan ba sa loob ng aking pamilya? May kapayapaan ba sa aking sarili? May kapayapaan ba sa aking lipunan?  Kung hindi pa natin ito nararanasan ay marahil hindi pa natin hinahayaang maghari ang Espiritu sa ating buhay. Ang Espiritu Santo ay hindi “kulasisi”. Ang “kulasisi” ay sumisira, nagwawatak-watak, naghihiwalay sa ugnayan ng pamilya. Ang Espiritu ay nag-uugnay, nagtitipon, nagbubuklod… ang dulot Niya ay kapayapaan at pagkakaisa.  At higit sa lahat ang biyayang handog ng Espiritu Santo ay KABANALAN.  Bagama’t ang Simbahan ay binubuo ng mga taong makasalanan, ang Espiritu Santo naman ang nagpapanatili ng Kanyag kabanalan.  Ang kabanalan ang nais ng Diyos para sa ating lahat at ito ang katibayan na pinaghaharian Niya tayong Kanyang mga anak.  Hingin natin ang biyaya ng Banal na Espiritu upang mapuspos tayo ng pagkakaisa, katotohanan at kabanalan. Ipinaskil ni kalakbay ng kabataan

Source: kiliti-ng-diyos.blogspot.com/2018/05/banal-na-kulasisi-reflection-for.html

************

See Today’s Readings:  Cycle B

See Homily Option

Back to Other Homily Sources

Back to: Pentecost Sunday (Year B)

Advertisements
This entry was posted in .. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s